“Mas mabuti ang wakas ng isang bagay kaysa pasimula nito.” (Ecc 7:8)
May mga pangyayari na ang wakas ay mapait kaysa sa simula. Subalit kalimitan, ito ay mas mabuti, Sa Kawikaan 22:21 ay mababasa natin na ang umaapi, sa simula ay nagmamataas, subalit sa bandang huli ay ibababa ng Panginoon. Ang mga pagsubok ng mga Kristiano sa umpisa ay nagbibigay ng pighati, subalit ito ay may magandang bunga sa katapusan.
Kaya nga, hindi dapat manglumo, anuman ang nararanasan sa kasalukuyan. Hindi dapat tingnan ng may kapighatian ang mga problema sa ngayon. Kundi dapat ay ilapat sa “Kalooban ng pagmamahal ng Dios.” Ang sinasabi ni Charnock ay ganito: “Ang Dios…
continue reading..
“ Pagkatapos ng Sabbath, sa pagbubukang-liwayway ng unang araw ng linggo, si Maria Magdalena at ang isa pang Maria ay pumaroon upang tingnan ang libingan.” Mateo 28:1; Lukas 16:1; Marcos 16:1; Juan 20:1
Matuto tayo sa mga babaeng dumalaw sa libingan ni Hesus upang magkaroon ng pinagpalang pakikipagtagpo sa Tagapagligtas.
Una, Mayroon silang pananabik at pagkauhaw na makita ang Panginoon at paglingkuran Siya. Dala ang pabangong kanilang inihanda, nagpunta sila sa libingan, madaling-araw pa lamang ng araw. Kung wala tayong ganitong paghahanda at pagnanais, na matagpuan at mapaglingkuran si Hesus, hindi natin Siya masusumpungang.
Ikalawa. Makikita ang kanilang tapang. Ang mga disipulo ay nagsitakas dahil sila ay nanginig at nasindak ng dakpin…
continue reading..

“Gaano ba karami ang aking pagsuway? Ano ba ng aking nagawang kasalanan?” (Job 13:23)
Napag-isipan mo na ba kung gaano kalaki ang natin sa Diyos? Kung pagsasama-samahin ang nagawa at nagagawa pang kasalanan ng isang Kristiano, ito ay maikukumpara sa isang matayog na bundok katulad ng Mt. Everest. Paano pa kung pagsama-samahin ang lahat ng kasalanan ng mga anak ng Diyos? Ito ay hindi na masusukat pa ng tao. Kung maisip natin ito, magkakaroon tayo ng ideya kung gaano kalaki ang kasalanan ng mga tao ng Diyos. Subalit mas makikita natin ng malinaw ang kalakihan ng kasalanan ng tao, kung tingnan natin ang naging pambayad dito.
Ang dugo ni Hesu-Kristo, ang…
continue reading..
Mapandaya, mabangis at masigasig ang kasalanan. Subalit binigyan tayo ng Dios ng matibay na sandata upang magtagumpay laban sa kasalanan. Malaki ang maitutulong ng mga sumusunod ayon:
1. Magkaroon ng disposisyon na nakatuon lamang sa Diyos. Ito ay ang pagtatalaga ng sarili na sumunod sa lahat ng utos ng Diyos. “Ang aking puso ay tapat, O Diyos…” (Awit 57:7). Ang pagsunod sa lahat ng utos ay kailangan. Ito ang mag-lalayo sa atin sa kahihiyan “ Kung gayo’y hindi ako mapapahiya, yamang itinuon ko sa lahat ng Iyong mga utos ang aking mga mata.” (Awit 119:6)
2. Magsikap na mapigilan ang pag-uumpisa ng kasalanan.
Panalangin ang kailangan…
continue reading..
Sa Roma 7, ipinakita ni Apostol Pablo ang kapangyarihan, bisa, at pagsira ng kasalanan sa puso ng mananampalataya. Tinawag niya itong “Batas” dahil ito ay nagbabawal at nag-uutos. Ngunit una sa lahat, ito ay mabagsik na batas na nagtuturo at nag-uutos ng iba’t-ibang paraan upang magkasala. Ikalawa, ito ay umaayon sa kalikasan ng tao. Ang tao ay likas na masama dahil siya’y ipinanganak na makasalanan. Nakahilig na ang kanyang puso sa kasalanan.
Sa mga Kristiano ang Batas ng Ispiritu ng Buhay ang nananaig sa kanilang puso. Ito ay dahil sa pagliligtas ni Kristo. Ito ang nagbibigay ng pagnanasa sa Kristiano na gawin ang kalooban ng Dios.
Kaya dalawang batas ang naghahari…
continue reading..

“Kaya’t habang may pagkakataon, gumawa tayo ng mabuti sa lahat, lalung-lalo na sa mga kabilang sa sambahayan ng pananampalataya.” (Galatia 6:10)
Ang kabaitan at kabutihan ay magkaugnay at malimit ay ginagamit sa iisang kahulugan. Ang parehong kahulugan ay ang pagnanais na malaman ang pangangailangan ng iba at ito ay mapunuan. Ang kabutihan ay ang aktibong pagkilos upang makatulong sa iba. Sa Biblia, ang kahulugan ng kabutihan ay maaring pagiging “matuwid”, kagalang-galang, at may mataas na moralidad, subalit ito rin ay ginagamit sa mga kilos at gawa na mabuti para sa ibang tao.
Ang kabutihan, o kagandahang loob ay ang pagnanais sa puso at isipan na maging masaya ang iba. Ang kabaitan…
continue reading..
“ …Anak, alalahanin mo na sa iyong buhay ay tinanggap mo ang iyong mabubuting bagay, at si Lazaro naman ay ang masasamang bagay. Subalit ngayon ay inaaliw siya rito at ikaw ay nagdurusa.” Lukas 16:25
Ikaw ang pinakamaganda o pinakamakisig na nilalang sa lupa. Nakabihis ka ng pinakamamahaling kasuotan. Nakatira ka sa isang mala-palasyong tahanan at sa garahe, naroon ang iyong koleksyon ng mamahaling sasakyan. Natitikman mo ang lahat ng kasaganaan na mayroon sa mundo. Ngunit kung lahat man ng kayamanan sa mundo ay sa iyo, maaari mo bang tumbasan ang halaga ng iyong kaluluwa? Ang sabi ni Hesus “Sapagka’t anong ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang kaluluwa? “…
continue reading..
Ang pagpapasalamat ay ang pagkilala sa kabutihan ng Dios at pagbibigay parangal sa Kanya. (Awit 106:1-2). Marapat na itanghal ang Dios, dahil Siya ay mabuti sa lahat Niyang nilikha. Sumisikat ang araw sa mabuti at masama, at umuulan sa matuwid at hindi matuwid. (Mat 4:45; Awit 145:9). Sa mga Kristiano, hindi lamang pagpapala sa mundong ito ang ating natatanggap, natitikman na rin natin ang biyaya sa kalangitan.
Ang pagpapasalamat ay hindi lamang pagbibigay puri sa Dios. Ito ay pagkilala din ng ating kababaan. Ang pagpapasalamat ay nagpapalakas sa ating pananampalataya at nagpapakita ng kontentong puso. Ang pagpapasalamat at pagiging kontento ay nagpapalakas sa isa’t-isa.
Ang pundasyon ng pagiging mapagpasalamat ay buhay…
continue reading..

Kalimitan, ang mga Kristiano ay disiplinado at masipag sa kanya-kanyang mga trabaho. Makikita ang kasipagan ng isang Kristianong mag-aaral, gayon din ang isang ina o ama na tapat sa kanilang tungkulin sa pamilya. At kung may ministeryo sa Iglesia, naroon ang sigasig at pagbibigay ng panahon. Subalit maaring maging masipag tayo sa ating pansariling gawain, ngunit tamad naman sa personal na relihiyon. Nais nating manalangin “Panginoon gawin Mo akong banal.” At iniisip natin na gagawa ang Dios sa atin. Subalit hindi kikilos ang Dios para sa ating kabanalan kung wala tayong sariling pagpapagal para dito.
May mga mahahalagang bagay na ginagawa ang isang Olympic champion upang maging isang magaling na…
continue reading..
Narito ang kalaliman ng kapighatian ng Tagapagligtas. Sa sandaling ito, naranasan ni Hesus ang pinakamapait na kalagayan. Ang yugtong ito ay punong-puno ng kabigatan kung kaya’t ang Tagapagligtas ay napasigaw, “Dios Ko, Dios Ko, bakit mo ako pinabayaan?”. Sa oras na iyon, binabata ni Hesus ang matinding paghihirap ng Kanyang katawan at kaisipan dahil sa panglalait, paghamak at kahihiyan. Ngunit ang mas matinding pasakit na hindi masusukat, ni maipapahayag man ng tao ay nang ang presensya ng Ama ay lumayo sa Kanya. Ito ang pinakamadilim at malagim na pangyayari sa Kalbaryo. At si Hesus ay kusang bumaba sa di maarok na kalaliman ng pagdurusa.
Walang tao ang makakaunawa sa kahulugan…
continue reading..