Ang pag-aalala o pagkabalisa ay pangkalahatang problema ng tao. Ito ang dahilan kaya maraming utos at paghimok sa Biblia ang tungkol sa pag-aalala. Maraming tao ang nag-iisip na ang pag-aalala ay natural na parte ng buhay. Ngunit ito ay isang pagkakamali sapagkat ang pag-aalala ay isang kasalanan.
Malinaw ang turo ng Biblia na ang pag-aalala ay pagsuway sa utos ng Dios. Sinabi ni Hesus “Huwag mabagabag ang inyong puso, sumampalataya kayo sa Dios, sumampalataya rin naman kayo sa Akin.” (Juan 14:1). Ito rin ang paghimok ni Pablo. (Filipos 4:6) “Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay. Sa pamamagitan ng pananalangin at pagsamo ng may pasasalamat ay ipaalam ninyo ang inyong…
continue reading..

Ang pinakamataas na papuri na maibibigay sa isang tao ay ang masabing “Siya ay makadios o banal”. Ito ang buod ng pagiging isang Kristiano. Bilang apostol, ang nais ni Pablo ay patatagin ang pananampalataya ng mga hinirang tungo sa kabalanan (Titus 1:1). Ito rin ang kanyang idiniin kay Timoteo: “Sanayin mo ang iyong sarili sa kabanalan…ang kabanalan ay may pakinabang sa lahat ng bagay” (I Tim 4:7-8). Dahil sa ang lahat ay mawawasak, dapat na tayo ay magpakabanal sapagkat ito ang may pakinabang sa mga huling araw, ayon kay Pedro (2 Pedro 3:10-12).
Kaya’t isang pribelehiyo sa mga Kristiano na lakaran ang daan ng kabanalan. Hindi nito kailangan ng…
continue reading..
Upang maiwasan ang masamang pag-iisip, isapuso natin ang payo ni Apostol Pablo. Kung ano lamang ang totoo, kagalang-galang, matuwid, malinis, kaibig-ibig, kapuri-puri…ito ang dapat nating isipin. (Filipos 4:8). Kasama sa disipilinang ito ang pag-iisip lamang ng mabuti at kalugod-lugod sa Dios.
Mahalaga , ayon kay Solomon na “Ang iyong puso ay buong sikap mong ingatan, sapagkat mula dito’y dumadaloy ang mga bukal ng buhay.” (Kawikaan 4:23). Ang salitang “puso” sa Hebreo ay kumakatawan sa buong pagkatao (pangunawa, emosyon, konsiensya at kalooban). Sa ating iniisip nagmumula ang ating emosyon at kilos. Ang kaisipan (mind) ay parang “greenhouse” kung saan ipinupunla, dinidilig at pinapalaki ang mabuti o masamang pag-iisip (thoughts). Sa…
continue reading..
Maliit pa ako ay tinuruan na ako ng aking mga magulang na bigyan ng pansin ang maliliit na bagay: gawin ng maayos ang bawat trabaho, ayusin ang tiklop ng kumot, walisin ang mga sulok, isampay ng maayos ang towel, itulak na pabalik ang silya sa mesa, tumupad sa pangako, atbp. Itinuro din nila na huwag tanggapin ang isang imbitasyon kung hindi naman ako makakadalo o mangakong tutulong sa DVBS ngunit mag-iiba naman ng isip sa bandang huli.
Sa boarding school na aking pinasukan, ganito rin ang itinuro sa amin. Sa pasilyo ay may tinatawag na “character hall”. Ito ay dahil sa mula sa kanyang upuan sa lobby, ay tatawagin…
continue reading..
May mga tao, kapag nakaranas na ng maayos na buhay ay hindi na nagsisikap na umangat pa ang kalagayan. Ang mga taong nasa kapatagan na nakasumpong ng hamog at bunga ng lupa, ay hindi na naghahangad pa na umahon sa burol at kabundukan. Masasabi nating ito ay mas totoo sa buhay na ispiritwal.
Hindi lahat ng Kristiano ay ibinubuhos ang lahat ng makakaya sa kanyang ispiritwal na buhay. Marami ang nagiging kontento na sa kanyang ispiritwal na kalagayan. Maaring regular ang kanyang pagdalo sa mga panambahan at gawaing ispiritwal. Subalit may paglago pang maaaring asahan. Ang tuktok ng bundok ng Mt. Tabor ay naghihintay na akyatin, subalit tila marami ang kontento…
continue reading..

Ang tao ay laging tumitingin sa magandang hinaharap. Sino sa atin ang nag-iisip na siya ay mamamatay na bukas? Sa isip ng tao ay naroon ang hindi mabilang na araw na naghihintay sa kanya. Ngunit ang pag-asang ito ay mabuti hanggang sa huling araw ng buhay. Sa oras ng kamatayan ang tao ay masisindak dahil wala palang pag-asang naghihintay kundi ang apoy ng impiyerno. Ang pagkakaroon ng maling pag-asa ang pumipigil sa maraming tao na huwag hanapin ang Dios. Kaya’t sila ay sumasandal sa isang maling siguridad.
Maraming mga Kristiano ay biktima rin ng maling pag-asa at iniisip na mahaba pa ang mga araw na darating. Marami ang nagiging kontento at…
continue reading..
Ang tao ay lubhang naging kaparte na ng mundo. Iniisip ng tao na mas mabuti kung laging abala dahil dito ay may pakinabang. Kahit ang mga Kristiano, ay nagkakaroon din ng ganitong kaisipan na dapat tayo ay laging abala sa iba’t-ibang gawain na may makikitang bunga. Kaya’t ang pamamahinga at pagbubulay-bulay sa ilalim ng puno ay tinitingnan na pag-aaksaya lamang ng oras.
Ang tao ay naging masyadong praktikal. Mas binibigyan ng malaking pansin ang panglabas, at isinasantabi ang pangloob na kalagayan na siya namang mas mahalaga.
Hindi masosobrahan ang oras na ibigay natin upang ibukas ang ating isip sa tinig ng Dios at mga kaisipan na makalangit. Mas mabuti kung maglaan ng…
continue reading..
Malapit na ang Pasko. Siksikan sa mga Malls at pamilihan. Excited ang mga bata sa kanilang bagong damit. Kahit mahirap kumita ng pera, pipilitin ni Nanay na kahit papaano ay may bagong damit si Junior o Nene. Maringal at maliwanag ang paligid dahil sa samot-saring palamuti. Kahit ang isang buong gusali ay naliligiran ng Christmas lights. Pagandahan at pataasan ang Christmas tree. Lumalabas ang pagiging malikhain ng mga Pilipino sa mga bagong estilo kung papaano ipapahayag ang diwa ng Pasko.
Kabi-kabila ang Christmas party. Kainan,, kasiyahan sa lahat ng dako. Mabenta ang mga gift wrappers at ang mga gift shops ay puno ng last minute shopping para sa exchange gifts at…
continue reading..
Ang pagtingin natin sa mabibigat na pagsubok ay mag-iiba kung isipin natin na inilagay tayo dito ng Dios at mayroon Siyang magandang dahilan na Siya lamang ang nakaka-alam. Dumating si Russel at Darlene Deibler sa New Guinea noong kanilang 1st wedding anniversary upang maglinggkod bilang misyonaryo. Nang sakupin ng Japan ang East Indies, si Russell ay itinuring na kaaway ng lipunan at pinahirapan sa isang concentration camp, kung saan siya ay namatay. Si Darlene ay ikinulong at naghihintay na ipapatay rin.
Sa kulungan ay naalala ni Darlene ang isang awit sa Sunday School: “Huwag kang matakot, maliit na tupa, Ang Dios ay pumapasok sa lahat ng silid. Hindi nagpapabaya, hindi umaalis….
continue reading..
Mataas ang pamantayan ng Dios sa pamumuhay ng bawa’t-kristiano. Makikita ito sa tagubilin ng Panginoong Hesus sa Kanyang mga alagad sa Lukas 17:1-3. Inaasahan ni Hesus na ang Kanyang mga alagad ay mamuhay ng walang kapintasan. Hindi sila dapat nag-iisip ng masama at maging dahilan upang ang iba ay magkasala o manghina sa pananampalataya . Dapat silang maging mapagpatawad sa humihingi ng kapatawaran kahit pa magkasala sila ng 7 beses sa isang araw.
Mahalaga ang ganitong pamumuhay upang huwag madungisan ang patotoo…
continue reading..