Kasama ang Diyos sa pasimula hanggang sa katapusan ng taon

0

Kundi ang lupain na inyong patutunguhan upang angkinin ay lupaing maburol at malibis, at umiinom ng tubig ng ulan sa langit, lupaing inaalagaan ng Panginoon mong Diyos. Ang pansin ng Panginoon mong Diyos ay laging naroon mula sa pasimula ng taon hanggang sa katapusan ng taon” (Deutronomio 11:11-12)  

Humaharap tayo sa isang bagong taon.  Sino ang nakakaalam ng ating masusumpungan,? Anong mga karanasan? Anong  pangangailangan? Anong pagbabago?  Wala mang kasiguraduhan ang bukas, “ang Diyos ay laging naroon  …hanggang sa katapusan ng taon”

Ang Panginoon ang bukal na pinagkukunan natin ng lahat ng  ating pangangailangan at ilog na hindi natutuyo. Kung ang Dios ang bukal ng awa, ang Kanyang awa at kalinga  sa atin ay hindi rin maiiga. “Isang ilog na…

continue reading..

Ang Biblia (1)

0
photo (2)

Ang lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa katuwiran” 2 Tim 3;16

Kasunod ng panalangin, ang pagbabasa ng Biblia ang pinakamahalagang tungkulin ng isang Kristiano dahil ito ay “ makakapagturo ng kaligtasan.”

Sa pagbabasa nito malalaman natin kung ano ang dapat nating paniwalaan, kung paano mabuhay at mamatay ng may kapayapaan. Mapalad at maligaya ang taong nagbabasa ng Biblia at sinusunod ito. Kung mahalaga sa isang tao ang kanyang hahantungan kapag siya ay namatay, siya ay magbabasa ng Biblia.

Ang Biblia ay natatanging aklat sapagkat ito ay kinasihan ng Dios. Kapag binabasa natin ito, ang Dios mismo ang…

continue reading..

Babala tungkol sa Pananalangin

0
photo 2

Sa iyong hindi nananalangin, sinasabi ko (J.C. Ryle) sa iyo na ikaw ay nasa delikadong kalagayan. Kung mamatay ka ngayon, walang katapusan ang iyong pagdurusa. Huwag mong sabihin na hindi ka marunong manalangin. Ang panalangin ay simpleng pakikipag-usap sa Dios. Hindi mo kailangang matutunan ito, kailangan mo lamang ay pagnanais na gawin ito gaya ng isang sanggol na umiiyak kapag nagugutom. Kahit saan ay maari kang manalangin. Huwag mong sabihing wala kang oras. Si Daniel ay abala sa kanyang pamumuno sa isang malaking kaharian, subalit nanalangin siya ng tatlong beses sa isang araw. Huwag mo ring sabihin na hindi ka makapanalangin dahil hindi ka pa naligtas at nanampalataya. Kung…

continue reading..

Pananalangin (unang bahagi)

0

photo 2

Ang pananalangin ay isang pinakamahalagang bagay sa buhay ng isang Kristiano. Mahalaga ang pag-aaral ng Salita ng Dios, ang pagdalo sa mga serbisyo ng Iglesia at ang pakikibahagi sa Huling Hapunan. Subalit ang mas mahalaga sa lahat ng ito  ay ang personal na pananalangin, bagamat dapat ay ginagawa rin ng tapat ang mga nabanggit. May pitong dahilan kung bakit ang pananalangin ay siyang pinakamahalaga sa buhay-Kristiano.

Una, ang pananalangin ay kailangan sa kaligtasan. Walang kaligtasan kung walang panalangin. Tandaan lamang na hindi nakakapagligtas ang panalangin, ngunit ang hindi nananalangin ay hindi maliligtas. Hindi magagawa para sa iyo ng ibang tao ang kumain, uminom at matulog upang ikaw ay…

continue reading..

Magsikap Pumasok sa Makipot na Daan

0
photo

      Magsikap kayong pumasok sa makipot na pintuan, sapagkat sinasabi ko sa inyo na marami ang magsisikap na pumasok at hindi makakapasok” (Luke 13:24)           

May malaking responsibilidad ang bawat tao para sa kanyang kaligtasan.  Walang hanggang pagdurusa ang pagwawalang-bahala dito. Kayat inaanyayahan ni  Hesus ang bawat isa na pumasok sa makipot na pintuan na naglalarawan ng kaligtasan.  Ang pintuan ay daan upang makasama ng Dios na perpekto sa kabanalan ang taong lubhang makasalanan. Ito ay inihanda na ng Dios noon pa man para sa makasalanan. Buhay ni Hesus ang naging halaga ng pintuang ito.

Makipot man ito, subalit wala nang iba pang pintuan. Ang kaligtasan ng tao ay kay Hesus…

continue reading..

Mapanlinlang na kalayawan ng Laman

0

photo (2)Ang kasalanan ay may mapanlinlang na anyo na tinatawag na:  “mapandayang pagnanasa”  (Efeso 4:22) Mapandaya, sapagkat tinatawag nito na matamis ang maasim, at maasim ang matamis. Ang mga naniniwala sa kanila ay magiging gaya nila. “Ang kanilang tiyan ang kanilang dios, ang kanilang kahihiyan ang kanilang kapurihan, na nakatuon ang isip sa mga bagay na makalupa” (Fil 3:19). Sa ating panahon, hindi mabilang na tao ang nagdiriwang sa kanilang kahihiyan at nagpapasarap sa lason ng kalayawan.

Ang mapanlinlang na pagnanasa ay maaring magdikta na ang pag-gawa  nito ay mas mabuti kaysa sa mapalapit  sa Dios. Nagbibigay ito ng kalituhan  na nagpapababaw sa kasalanan. Maaring isipin na hindi naman ito  kasalanan….

continue reading..

Tinawag Tayo sa Ating Trabaho

0
photo (2)

Ang ating mga trabaho ay hindi lamang isang gawain. Ito ay isang bokasyon kung saan tayo ay tinawag ng Dios. Sinabi ni Calvin na sa bawa isa ay itinalaga ang isang partikular na gawain. Ang Dios ang tumatawag kung kaya’t itinatatwa nito ang opinyon na ang ating trabaho ay dala ng pagkakataon, o dahil sa kagustuhan ng tao. Kung ang Dios ang tumatawag sa ating mga trabaho, nais ng Dios na mag-trabaho ang tao. Malinaw ang utos na ito sa paglikha pa lamang. Kaya’t ang pagiging tamad, at ayaw mag-trabaho ay taliwas sa utos ng Dios.

Ang ating trabaho ay mula sa Dios. Makikita natin ang gawa ng probidensya…

continue reading..

Ang Pag-ibig ni Hosea at Pag-ibig ng Dios

0

Ang pag-aasawa ni Hosea kay Gomer ay sumasalamin sa pag-ibig ng Dios sa Kanyang bayan. Walang sinumang maghahangad na ibigin ang isang madumi at mapangalunyang asawa katulad ni Gomer. Subalit ibinigay ni Hosea ng buong-buong ang kanyang oras, panahon at ari-arian upang suyuin si Gomer. Gayon din ang Dios sa Kanyang bayan subalit patuloy pa rin itong sumusuway sa Kanya. Talamak ang karumihan at pangangalunya ni Gomer. Ginagawa niya ang ayon sa gusto ng kanyang laman hanggang tuluyan niyang iwanan si Hosea. Ipinagmalaki ni Gomer na sasama siya sa lalaking magbibigay sa kanya ng lahat ng kanyang pangangailangan (Hosea 2:5).

Gayon pa man, tinustusan pa rin ni Hosea si Gomer dahil alam niya na kahirapan lamang ang idudulot sa kanya…

continue reading..

Ginawa Tayo Para sa Kabutihan

0

Malinaw sa atin na ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng pananampa-lataya at hindi sa mga gawa (Efeso 2:8-9). Ngunit dapat ay matibay din ang ating paniniwala na “ tayo ay pinakamahusay na gawa , na nilalang kay Kristo para sa mabubuting gawa , na inihanda ng Dios nang una pa upang siya nating lakaran” (Efeso 2:10) Tayo ay binuhay na muli para sa pag-gawa ng mabuti. Ang salitang “lakaran” ay nagpapahiwatig ng pangka-raniwang karanasan, hindi ang pagliligtas sa isang bata sa nasusunog na bahay. Tayo ay ginawa ng Dios upang gawin ang ordinaryong mabuting gawa sa konteksto ng ating pang-araw-araw na bokasyon o gawain.

Ang pag-gawa ng mabuti ay isinalarawan ni Pablo sa I Timoteo 5:9-10. Upang ang isang balo…

continue reading..

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top