Panibagong Pagkakataon sa 2019

0
“Kung magbunga ay mabuti, kung hindi ay saka putulin.” (Lucas 13:8-9).

Ang puno ng igos sa Lukas 13 ay hindi nagbubunga sa loob ng tatlong taon. Nais na itong putulin ng may-ari. Subalit hiling ng hardinero na pabayaan muna sa taong ito, hanggang sa kanyang mahukayan sa palibot, at malagyan ng pataba. “At kung ito ay magbunga sa susunod na taon ay mabuti; subalit kung hindi, maaari mo na itong putulin.” (Lucas 13:8-9).

Dapat na magtiyaga ang hardinero na bungkalin at lagyan ng pataba ang igos. Kung ito ay magbunga, magkakaroon ng kagalakan ang may-ari at ang hardinero, sapagkat ang kanilang hinahangad ay nangyari na. Ang… continue reading..

Ang Talinghaga ng Nawawalang Tupa

0

 

Ang talinghaga ng nawawalang tupa ay nagpapakita ng malalang kondisyon ng isang makasalanan bago siya nasumpungan ng Pastol. Una, ang tupa ang may kasalanan kung bakit siya ay nawawala. Maaaring ang tupa ay naging abala sa pagkain ng damo kaya nawaglit ang tingin niya sa pastol. Ang sisi ay nasa tupa lamang, hindi sa iba, at lalong hindi sa pastol na hangad lamang ay ang kapakanan ng tupa. Gayon din, ang tao ay makasalanan dahil siya mismo ang lumayo sa Diyos. Naging abala siya sa mga bagay sa mundo at kung paano siya uunlad. Isinasantabi niya ang relasyon sa Diyos, gayong ito ang pinakamahalaga.

Ikalawa, hindi alam ng tupa na siya…

continue reading..

Biyaya ng Kahinahunan

0

 

Ang pagkakaroon ng kahinahunan ay hindi gaanong ipinapanalangin kumpara sa ibang tila mahahalagang katangian katulad ng pagmamahal at kagalakan. Ang kahinahunan ay ang pagiging sensitibo sa pakiramdam ng iba at may pag-iingat na hindi masaklawan ang kanilang karapatan. Gaya ng maingat na paghawak ng isang mamahaling kristal, iniingatan din ng taong may kahinahunan ang kalooban ng iba.

Ang pagiging mahinahon ay nakikita sa banayad na pagpapahayag ng opinyon, at sensitibo naman sa opinyon ng iba. Ngunit may kahandaan din na tumutol kung hindi ito ayon sa Salita ng Dios. Ang taong mahinahon ay nagtutuwid sa kamalian ng hindi nakakasakit ng damdamim,  at isinasaalang-alang lagi ang kapakanan ng iba. Hindi…

continue reading..

Tinanggap  Ayon sa Kanyang Minamahal

0

 

“para sa ikapupuri ng kanyang malualhating biyaya na ipinagkaloob niya ng walang bayad sa atin sa pamamagitan ng Minamahal.”  Efeso 1:6

Ang salitang “tinanggap” ay mula sa salitang Griego na may kahulugan na malaking kagalakan. Isang kamangha-manghang katotohanan, na tayong mga makasalanan at uod lamang sa harapan, ng Diyos ay inaring-ganap ng may lubos na kagalakan.  Ngunit ito ay para lamang sa mga Kristiano na “tinanggap pamamagitan ng Minamahal”, walang iba kundi si Kristo.

Maraming Kristiano ang nag-iisip na kapag ang kanilang espiritu ay masigla, at matibay ang kanilang pag-asa, ay nalulugod sa kanila ang Diyos. Kung ang kanilang kaluluwa ay nasubsob sa kasalanan at kahinaan, sila ay natatakot na hindi na…

continue reading..

Bakit Pupunta Ang Makasalanan Sa Impiyerno?

0

Marami ang nagtatanong: “Bakit itatapon ng Dios ang tao sa impiyerno, gayong siya ay Dios ng pag-ibig?

Sinasabi ng Biblia na ang kasalanan ang naghiwalay sa atin sa Dios, Siya na daluyan ng lahat ng katuwaan at pagmamahal, karunungan at lahat ng mabubuting bagay. Kung wala ang presensya ng Dios sa atin, ito ay isa nang impiyerno. Ang taong wala kay Kristo ay wala ring kakayahan na magbigay at tumanggap ng pag-ibig at katuwaan.

Ang impiyerno ay apoy sa Biblia dahil ito ay tumutupok. Sa lupa makikita natin ang pagtupok sa kaluluwa dahil sa kanyang pagiging makasarili. Dito nag-uugat ang inggit, kapaitan, kalungkutan, likong kaisipan at iba pang kasamaan.  Dahil hindi namamatay ang…

continue reading..

Move-on

0

The word move-on is a beautiful, uplifting word. It gives strength and hope to rise from unpleasant events in our lives.  In sadness, pain and anger, the word move-on puts us into a fighting stance, as we refuse to be a victim of life’s circumstances.

The power of the word move-on is applicable in any life’s situation:  you failed the exam, you missed an important meeting, you lost a sister from cancer. When we say “move-on” to ourselves, we begin to see things objectively. Instead of fretting, we say, “What’s the next step.”.

When my only daughter got married and chose to live in the US, my husband comforted me by saying,…

continue reading..

Pagpapasakop

0

Iba’t-iba ang katayuan at mga pangyayari sa ating buhay.  Kung anuman ang idulot ng bawa’t araw ay dapat tanggapin ng may pasasalamat. Kung tayo ay hindi makontento sa ating kalagayan, tayo ay nagkakasala.

Kaano man kahirap, at sa pakiramdam natin ay kakaiba ang ating nararanasan, ito ay itinalaga ng Dios para sa atin at kasama sa Kanyang pangkalahatang plano sa ating buhay. Kabilang dito ang ating mga kapansanan at pisikal na limitasyon. Sa isang mababaw na kaisipan maaring tingnan natin ang iba na mas mapalad kaysa atin. Subali’t sinasabi sa Mga Awit 139:13  “anuman tayo sa ating anyong pisikal ay itinalaga na duon pa lamang sa sinapupunan ng ating…

continue reading..

Kilos at Pag-uugali

0

Ang relasyon ng kilos at pag-uugali ay napakalapit. Sa paulit-ulit na kilos, nabubuo ang pag-uugali. Ito ang sinasabi sa 2 Pedro 2:14 “na may pusong sanay sa kasakiman; mga anak ng paglait.”. Subalit totoo rin na ang ugali ay nagtutulak na gawin ang isang kilos.

Ang kilos ay kung ano ang ginagawa natin, at ang ugali ay kung ano tayo. Ang kilos ay resulta lamang  ng ating ugali, at ang ugali ang siyang nagdidikta ng ating kilos. Nang ang bangka, kung saan lulan sina Pablo ay nawasak, sila ay napadpad…

continue reading..

Do Not Grow Weary

0

Weariness comes to everyone, and those with graying hairs are most vulnerable. As we grow old, sickness of varying kinds has become our frequent visitor. We feel the pain of the hardening of our arteries, the weakening of our vital organs, the fluctuations of our blood pressure. Suddenly we can no longer attend to our favorite hobby. We have to strictly watch our diet, and travel has  been considerably restrained. True, bodily pains can impinge on our spirit. And yet aside from sicknesses, we also have our daily share of problems and trials as part of living the Christian life.

Thus, oftentimes, we are like an exhausted mountain climber traversing another…

continue reading..

Nilalang Tayo Para sa Mabubuting Gawa

0

 

Malinaw sa atin na ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi sa mga gawa (Efeso 2:8-9). Ngunit dapat ay malinaw din sa atin na “ tayo ay pinakamahusay na gawa , na nilalang kay Kristo para sa mabubuting gawa , na inihanda ng Diyos nang una pa upang siya nating lakaran” (Efeso 2:10). Tayo ay binuhay na muli para sa pag-gawa ng mabuti. Ang salitang “lakaran” ay nagpapahiwatig ng pangkaraniwang karanasan, hindi ang kamangha-manghang pagliligtas ng isang bata mula sa nasusunog na bahay. Tayo ay ginawa ng Diyos upang gawin ang ordinaryong mabuting gawa sa konteksto ng ating pang-araw-araw na bokasyon o gawain.

Ang pag-gawa ng mabuti ay isinalarawan ni…

continue reading..

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top