“Kung ang Dios ang tumatawag upang manampalataya ang isang ito, gaano
man ang kanyang pagnanais na maging Kristiano ay hindi siya maliligtas, kung
hindi naman siya pinili.” Ito ang kalimitang argumento ng mga taong hindi
naniniwala sa Doktrina ng Pagpili at
ginagamit na matibay na dahilan upang sabihing ito ay mali. Subalit kung uunawaing
mabuti ang mga talata sa Biblia, malinaw na itinuturo ang katotohanan ng
Doktrina ng Pagpili.
Halimbawa, kung ang pagkain ay inihain sa isang nagugutom,
pwede ba niyang sabihin “Hindi ko alam
kung nais ng Dios na mabusog ako sa pagkaing ito, kaya kahit na anong
pagkagusto ko ay alam kong hindi ito para sa akin.” Hindi ba mas matuwid na
sabihin, “Ang pagkaing ito ay inihain sa akin at… continue reading..
Ang kababaang-loob,
pagmamahal, at pagpapasalamat ay tatlong mahahalagang bunga ng tunay na relihiyon.
Ang doktrina ng “pagpili” ay naghuhubog nito sa puso ng isang Kristiano.
Dahil sa kasalanan na namana ng sangkatauhan kay Adan, ang
patutunguhan ng bawat tao ay habang-buhay na pagdurusa sa impiyerno. Kung ang
makasalanan ay naligtas, ito ay hindi dahil sa siya ay karapat-dapat, kundi dahil
lamang sa mabiyayang pagpili ng Dios. “hindi
sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinuman ay huwag magmalaki.” (Efeso
2:9).
Ang “pagpili”, una sa lahat ay nagbubunga ng kababaang-loob sa isang mananampalataya. Walang mabuti na makikita sa atin ang Dios. Sa Kanyang harapan ay kagaya rin tayo ng taong masasama sa ating paligid,… continue reading..
“Upang kung paanong ang kasalanan ay naghari sa kamatayan, ay gayundin naman ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng pagiging matuwid tungo sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin.” (Roma 5:21)
Ang kasalanan ay tulad
sa isang hari na may kapangyarihang sumira
at pumatay. Ang biyaya ay isa ring malakas
at makapangyarihang hari ngunit may
pagmamahal na nagliligtas.
Ang iniligtas ng Dios ayon sa Kanyang mabiyayang kalooban ay
tunay at lubos na naligtas. Ang biyaya na nagligtas sa kapangyarihan ng
kasalanan ay siya ring maghahatid sa buhay ng kabanalan. Kung ang biyaya ay
limitado lamang sa kaligtasan (at hindi ang pagpapabanal (sanctification), hindi
sigurado ang hahantungang ng isang Kristiano. At kung ang kabanalan… continue reading..
Three Dangerous Traps to Christians by Richard Bennett at Stuart Quint (translated to Filipino by Haydee Lasco)
Nagpapatuloy ang pagbitag ng Iglesia Katoliko
sa mga Kristiano gamit ang ibat-ibang paraan ng panlilinlang. Nagbabago man ang
kanilang taktika, nananatili ang pakay ng Romano Katoliko na akitin ang mga tao
sa kanilang likong pananampalataya.
Ang panlaban ng Iglesia Katoliko sa
Repormasyon noong labing anim na siglo (16th century) – at hanggang
sa ngayon – ay ang Kontra-Repormasyon. Gumagamit sila ng kumbinasyon ng
panlilinlang, intriga at pag-uusig. Ang nangunguna sa pagsulong ng Kontra-Repormasyon
ay ang mga Jesuits, isang
relihiyosong organisasyon na itinatag noong 1530 ni Ignatius ng Loyola. Tatlong
mapanganib na bitag o taktika ang ginagamit ng Romano Katoliko para malabanan
ang Repormasyon at maakit sa maling pananampalataya ang… continue reading..
Ipinakita ng Mangangaral sa Ecclesiastes 2 na hindi malalaman ng tao ang kahulugan ng buhay kung wala ang Dios. Walang saysay ang hahantungan ng buhay kung hanapin man ito sa karunungan, kayamanan, kasipagan, o kalayawan ng laman. Ang mga ito ay hindi magbibigay ng sagot sa malaking katanungan ng buhay.
Kaya’t namamanhik ang Mangangaral na sa halip ay dapat alalahanin ang Dios na Lumikha. Ito ay ang seryosong pagtalima sa Kanya. Dapat nating hanapin ang Dios sapagkat tayo ay Kanyang desenyo. Siya ang lumikha sa atin at kilala Niya ang ating buong pagkatao. Siya ay makapangyarihan at maaari tayong… continue reading..
Ang salitang “biyaya” ayon kay Pablo ay kabutihan na ibinibigay sa taong hindi nararapat na tumanggap nito. Gaya na ang “awa” ay kabutihan na ibinibigay sa taong nahihirapan, ang “biyaya” ay ibinibigay sa taong walang kakayahan at hindi karapat-dapat.
Ayon sa Bagong Tipan, ang “biyaya” ay ang walang hanggan at ganap na pabor ng ipinakita ng Diyos sa pagbibigay ng Kanyang espiritwal at walang-hanggang pagpapala sa isang makasalanan; sa taong hindi nagpakita ni katiting na kabutihan.
Ang biyaya ay hindi nakadepende sa tao. Ito ay nakadepende lamang sa kalooban ng Diyos. Hindi ito makakamit sa… continue reading..
IThe messenger woke up earlier than usual. He ate a big meal,
dressed up, and tucked his Bible in his old, black bag. He was ready to relay the
Word to God’s people and anticipated a fruitful day of worship.
After an hour of travel, he entered the worship hall on time
and greeted a few church members silently waiting for the Sunday school class
to begin. When he began to teach, a lot of seats remain unoccupied.
This is a common observation in many Christian churches. It is sad that attending Sunday school or Bible class has become an option for many. Of course, there are legitimate excuses for being late, but… continue reading..
Tayo ay tinawag ng Dios na lumakad sa makipot na daan. Sa paglakad na ito, hindi sapat na alam natin ang katotohanan. Mahalaga na alam natin kung paano lumakad ng may karunungan upang huwag manatili sa daan na ito. Ganito ang bilin ni Pablo, “Kaya’t mag-ingat kayo sa inyong paglakad, hindi gaya ng mga mangmang kundi gaya ng marurunong na sinasamantala ang panahon sapagkat ang mga araw ay masasama.” (Efeso 5:15-16).
Ang kainos ay mga pagkakataon sa ating buhay. Kahalintulad ito sa pintuang bumubukas sa sandaling panahon, na agad nagsasara at hindi na magbubukas pa. Kagaya ng isang ama o ina na may mga anak, ang oportunidad na makasama at maibahagi ang makadios… continue reading..
BMahal
ko ang Iglesia dahil sumasalamin ito sa kalangitan. Bagamat maganda ang nilikha
ng Dios, wala nang mas gaganda pa sa Iglesia ng Dios. Ito ay kalangitan na nasa
lupa, kung saan ang Dios ay itinatanghal at sinasamba; at kung saan ang
katuwiran ay naghahari. Wala nang mas lalapit pa sa kalangitan kaysa sa
Iglesia.
Mahal
ko ang Iglesia dahil dito nagsasama-sama ang lahat ng tunay na nagmamahal at
sumasamba sa Dios. Kay laking katuwaan
at pribelihiyo na maging kaisa sa pagtitipon ng mga tunay na sumasamba kay
Kristo, at ginagawa ang pinakamahalagang katungkulan ng tao sa Dios.
Mahal ko ang Iglesia dahil ito ang lugar ng
tunay na pagsamba. Ito ang lugar kung saan ang buhay ng bawat isa… continue reading..
“Maghanda ka sa kinaumagahan , at umakyat ka sa kinaumagahan sa bundok ng Sinai at humarap ka sa atin doon sa tuktok ng bundok.” (Exodus 34:2)
Sa muling pagharap sa panibagong taon, mabuting makasanayan
na simulan natin ang bawat araw sa pakikipag-ugnayan sa Dios sa pamamagitan ng
pagbubulay ng Kanyang salita at pananalangin. Ang oras na ito ang
pinakamahalaga sa bawat araw. Kung gawin natin ito, magkakaroon tayo ng
kahandaan na harapin ang pangkaraniwan o mahirap na responsibilidad sa bawat
araw. Huwag nating isipin na kaya nating magtagumpay sa sarili lamang nating
lakas. Kailangan natin ang gabay at patnubay ng Panginoon. Ito ay sasaatin kung
dudulog tayo sa Kanya tuwing umaga.
Sila na nakagagawa ng mga dakilang… continue reading..