Ang Chronos at Kairos

0
img_1043

Sa wikang Griego, ang oras ay may dalawang kahulugan. Ang Chronos at ang Kairos. Ang chronos ay sukat ng oras na inilalagi natin sa lupa. Bawat araw tayo ay binibigyan ng 24 na oras. Ang chronos ay sinusukat ng relo at kalendaryo.

Ang kairos ay ang natatangi at limitadong sandali na nakapaloob sa chronos. Ito ay mga oportunidad na maaaring dumating ngayon, ngunit dagliang nawawala. Ito ay katulad ng maikling panahon na kasama ng ama o ina ang kanyang mga anak. Mayroon silang oportunidad na magturo, magkwento, makipaglaro at magbigay ng magandang impluwensya. Subalit ang panahong ito ay lilipas at kahit anupa ang gawin ay hindi na muling babalik pa. Ito…

continue reading..

Ang Kabutihan ng Dios

0
img_0960

Ang kabutihan ng Dios ay ang perpekto Niyang kalikasan. Siya ang bukal ng lahat ng kabutihan. Ang kabutihan ng tao ay nagmula sa Dios. Ang Kanyang kalooban, nilikha, kautusan at probidensya ay pawang mabuti.

Sa paglikha ng tao, malinaw ang kabutihan ng Dios. Tingnan na lamang ang nagagawa ng kamay sa ating buhay. Pinapatulog Niya ang tao sa gabi upang magkaroon ng panibagong lakas. Tayo ay binigyan ng pilik-mata upang maging proteksyon ng ating mga mata, at marami pang ibang halimbawa ang ating maiisip.

Ang kabutihan ng Dios ay nakikita rin sa iba’t-ibang kasiyahan ng tao, sa iba’t-ibang lasa ng pagkain, karne, gulay at prutas. Binigyan din tayo ng pangdamdam (senses) upang…

continue reading..

The Home Is Where My Heart Is

0
IMG_5248

The Lord has a perfect design for a family. Ruled by love, the husband has to lead, provide, and protect his family, while the wife has to submit to the leadership of her husband. As they start a family, the Lord wants the mothers to be workers at home (Titus 2:5).

However, in this materialistic society, more and more women are drawn away from the home where they should be. It does not mean that mothers should stay at home all the time. Proverbs 31:10-31 tells of a godly mother fully exercising her God-given gifts. She has a business of her own, involved in acts of charity, yet fully engaged…

continue reading..

Ibigay sa Dios ang Kaluwalhatian

0
dsc_0056

Isang oras na lamang at mararating na ni Becki ang tuktok ng Mt. Fuji. Subalit dahil sa matinding sakit ng ulo, kailangan niyang bumaba ng bundok. Sa isang iglap ay naglaho ang kanyang pinakamimithi. Ganito sa mundo. Hindi sigurado ang buhay, maraming balakid sa ating mga plano. Paano pa kaya sa buhay-kristiano? Marating kaya natin ang langit?

Maganda ang pambungad na bati ni Judas sa mga Kristiano: “Sa mga tinawag, na minamahal ng Diyos Ama, at iniingatan para kay Jesu-Cristo, ang kaawaan, kapayapaan at pag-ibig ay pasaganain nawa sa inyo” (Judas 1-2).  Pinatotohanan ni Judas na tayo, bilang Kristiano, ay iingatan ni Kristo na matisod o mahulog sa kasalanan. Maraming mga…

continue reading..

A Mother’s Joy

0

 

img_2762

The audience were excited. Many were taking pictures  and cheering, as the graduates in Grace Ministerial Academy were called. But this mother was crying, shedding tears of joy, as her son was called on stage to receive his diploma. Her son, Ezequiel is now  fully-equipped to become a pastor, a servant of the Lord. That was her dream and now it was fulfilled.

How noble is this mother whose ambition was for her children to know and love the Lord. She could have aspired for a better-paying job for her son, having lived in poverty all her life. But she sought a better portion. She was poor on earth, but in death…

continue reading..

Purihin ang Diyos Sa Salita at Gawa

0
img_3374

Ang gawain sa Providence Bible Church sa Tayabas Quezon ay bunga ng pagpapagal ng matatapat na lingkod ng Dios. Tunay na mabangong samyo sa harapan ng Dios. 

Kakaiba ang tao sa lahat ng nilikha ng Dios sapagkat tayo ay Kanyang hinulma at hiningahan ng buhay. Ginawa tayo ayon sa Kanyang larawan kayat nararapat tayong magbigay ng pagpupuri sa dakilang Lumikha. Ngunit mas dapat na marinig ang mainit at walang patid na papuri sa Diyos sa bibig ng mga Kristiano. Sa Hebreo 13:15, hinihimok ang mga mananampalataya na maghandog, hindi ng mga hayop, kundi mga bunga ng ating bibig – mga katagang nagtataas at nagpapakilala sa kadakilaan ng Diyos. Ang pagpupuri ay…

continue reading..

Disiplina sa Sarili

0
img_0955

Ang pundasyon ng masaya at maunlad na pamumuhay ay disiplina. Ang kawalan ng disiplina ay laging nagdadala sa pagkawasak.

Kalimitan, negatibo ang tingin sa salitang “disiplina.”Naiisip natin ang pagpalo sa bata, ang nakakapagod na pagsasanay ng mga atleta at sundalo o ang seryosong pagsunod sa itinakdang pamantayan. Kaya ang disiplina ay itinuturing ng iba na kaaway o kontrabida sa masayang buhay.

Subalit may mga taong maganda ang pagtingin sa salitang “disiplina.” Isang babae na may kapansanan ang tinanong kung bakit nagagawa niyang manalo sa Chicago Marathon (wheelchair division) ng maraming beses. Ang kanyang sagot ay ganito: “Dinidisiplina ko ang aking sarili na mag-ensayo gamit ang wheelchair ng 100 milya kada linggo. Ito…

continue reading..

Abala Ngunit Kulang

0
img_1256

Sa Talinhaga ng Alibughang Anak, may mahalaga rin tayong leksyon na mapupulot sa panganay na anak. Siya ay masipag, disiplinado, hindi nagrereklamo at matalinong namamahala ng ari-arian ng ama. Maaaring ito ang kanyang ulat: “Tingnan mo Ama, nadoble ang bilang ng ating mga hayop at punong-puno ang imbakan ng butil. Ibinigay ko ang lahat upang paglingkuran ka sa ating bukid.” Ngunit mukhang mas natuwa ang ama sa pagbabalik ng alibughang anak at hindi ito maunawaan ng anak na panganay.

Ang dahilan ay hindi magkatugma ang nais ng ama at ang nais ng panganay na anak. Ang motibasyon ng panganay na anak ay ang pagtatrabaho sa bukid dahil ito ay tungkulin at…

continue reading..

Hindi Mabilang Na Biyaya

0

sam_0562

“Ang katapatan ng Dios ay bago, bawat umaga.”(Panaghoy 3:22,23). Subalit minsan, nakakalimutan natin na hindi lamang tapat ang Dios, ang Kanyang biyaya ay sumasagana rin sa ating harapan. Tunay na ang bawat araw ay punong-puno ng pagpapapala (Mga Awit 68:19).

Sa pag-gising sa umaga, panibagong lakas ang ibinigay ng masarap na pagtulog. Isang misteryo na ang lahat ng tao ay pinatutulog ng Dios sa gabi. Magalak tayo na magising na malakas, nakakabangon, nakakalakad, nakakahinga ng maluwag, nakikita natin ang magagandang paligid, naririnig natin ang iba’t-ibang tunog, naaamoy ang sari-saring halimuyak na nagpapasaya sa buhay. May pagkain tayo sa mesa, may tubig na maiinom at may iba’t-iba pang pagpapala na naghihintay ng…

continue reading..

Pagtatanim ng Salita ng Dios

0
sam_0542

Naglalakad sa bukid ang dalawang magkapatid nang makita nila ang isang maliit na puno na hitik na hitik sa masasarap na bunga. Masaya nilang pinitas ang mga prutas at kumain hanggang sila’y mabusog. Nang sila’y pauwi na, pinitas ng unang kapatid ang natitira pang bunga upang iuwi, samantalang binunot ng ikalawa ang maliit na puno upang itanim sa kanyang lupa. Hindi nagtagal, naubos ang iniuwing prutas ng unang kapatid. Lumaki at naging malusog naman ang itinanim na puno ng ikalawang kapatid. Ito ay namunga ng mas marami pang prutas at ito ay  naging kagalakan niya sa bawat araw.

Ang Biblia ay ang maliit na bungang-kahoy sa kwento. Ang simpleng pakikinig o…

continue reading..

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top